Advertisment

Thursday, October 27, 2011

PINATUBO: PAGSABOG, PAGLALAKBAY, PAGBANGON - Ang Kwento

Lubos Alyansa ng mga Katutubong Ayta ng Sambales (LAKAS.PH) —Kaming mga Ayta ay kabilang sa anim na malalaking grupo ng mga katutubo sa Pilipinas. Kami ay may Kabuuang bilang na 130,000 na kalat-kalat sa Luzon.


Kami ay nakatira sa paanan at paligid ng bundok Pinatubo. Tahimik ang maning pamumuhay noon sa Sitio Yamot, Villar, Botolan, Zambales. Ito ay walong kilometro mula sa bundok Pinatubo. Malaya kaming kumukuha n gaming makakain mula sa bundok na ito.

O- Sa tutok na ito ay tanaw na tanaw ang malaking baton a tinatawag naming “GAYANG”, pinaniniwalaan naming dito nakatira si Apong Namalyari. Kaya’t sa tuwing kami ay nagdarasal ng dororo, kami ay humaharap dito. Para sa amin ang Pinatubo ay masagradong bundok.

Sa bundok ding ito makikita ang Sulfur na siyang nagbibigay ng palatandaan. Kapag ang usok asy puti, ang kabuhayan ay sagana sa biyayaNi Apo Namalyari at bihira ng magkaroon ng sakit. Ngunit, kapag ang pagbuga niya ay maitim na usok, ito ay nagbabadya ng masamang pangyayari at kahirapan sa kabuhayan.

E- Ang bundok Pinatubo ay itinuturing naming na aming ina. Sa kanya kami sumususo. Ito ay sagana sa likas yaman: mga punong kahoy, bungang kahoy, mga hayop tulad ng mga usa, baboy damo, musang na itim, mga panili, mga unggoy, pugo, bayawak, tutubi, paruparo, mga kalabaw at iba pa.

Iba’t ibang tunog ng hayop an gaming naririnig. Sito naming kinukuha ang lahat n gaming ikinabubuhay. Madalas dito kami nangangaso, kumukuha ng pulot pukyutan, mga orchids, at iba pang produkto na aming pinagbibili sa bayan.

B- Dahil sa karamihan sa amin noon at hndi nakapag-aral, mababa ang tingin sa amin ng mga unat lalo ma ang negosyante at may mga kaya sa buhay.

Ang mga produkto naming ay kanilang binibili sa napakamurang halaga at kadakasan pa ay pinapalitan na lang ng isang supot na asin ang isang daang saging. Kung minsan pa ay isang latang sardines lamamng. Ang mga negosyanteang nagdidikta ng mga presyo sa aming mga produkto.

O- Biktima rin kami ng mga pang-aagaw ng lupa ng mga mayayaman. Halimbawa sa Yamot. Pumasok ang isang mayaman na Abogado. Nagpatanim siya ng mga gulay sa lupa naming mga katutubo. Nalaman naming na unti-unti nap ala niya inaayos ang papeles ng lupa naming ito.

Pinasok din ng mga dayuhang una tang bundok Pinatubo. Nagkaroon ng malawakang pagpuputol ng mga malalakin punong kahoy at walng pakundangang pagmimina. Tinutulan, nilabanan naminito sa pamamagitan ng petisyon at iba pang pamamaraan.

Sinundan ito ng paghuhukay at pagbubutas ng PNOC sa may paanan ng bundok Pinatubo. Tinakpan nila ito pagkatapos na malaman na ito ay may mataas na acid at hindi angkop ang anumang uri ng tubo. Kaya sa aming paniniwla, nagalit si Apo Namalyari at ang Inang Lupa kaya pimutok ang bulkan dahil sa paninira ng kabundukan.

II. KARANASAN SA EVACUATION CENTER

E- Noong Abril 2 1991, pitong taon pa lamang ako noon. Nakatira kami sa gilid ng bulking Pinatubo. Nassa gasak kami noon sa Sition Makinang, Villar, Botolan, Zambales. Tans na tanaw mula rito ang bulking Pinatubo. Bigla kaming nakaramdam ng pagyayanig ng lupa. Pakiramdam ko‎ ako ay idinuduyan. Kasabay nito ay nakarinig kami ng parang ugong ng bulldozer. Natakot ako. Umupo ako habang hinihintay ko si Tatay na kumuha ng kalabaw sa sapa. Lumikas kami sa Yamot. Wala na kaming nadatnan na tao. Mistulang libingan sa katahimikan maliban sa mangilan-ilang alagang manok na gumagala sa daan. Tumuloy na kami sa Villar. Doon ay nagkita-kita kami ng ilan naming kamag-anak. O- Ako din ay siyam na gulang noon. Nakatira sa paanan ng bulking Pinatubo. Nasa gasak ako noon sa Sitio Yamot, Villar, Botolan, Zambales kasama ang aking kapatid Dalawa kaming nagpapainom n gaming kalabaw. Masaya kaming naliligo sa ilog kasama an gaming kalabaw. Pagbalik naming sa Center, tumulong kami sa paghahakot ng mga bato at buhangin upang matapos an gaming ginagawang basketball court sa Yamot. Bigla kaming napasigaw ng lumindol ng malakas at umusok ng maitim ang sulphur. Nagsitakbuhan kami patungong Villar. B- Nasa Poonbato ako noon kasama ang iba pang lider ng LAKAS at mga katuwang na madreng FMM (Franciscan Missionaries of Mary). Nagpaplano kami noon paras a aming samahan. Nabigla kaming lahat ng dumating ang ilan sa mga kababaihan na bumaba mula sa Sitio Yamot Sinabi nila na ang sulphur ay umuusok na . Napakataas at itim na itim ang ibinubuga mula sa tagiliran ng bundok Pinatubo. Nataranta kaming lahat. Napaiyak ako dahil naalala ko ang aking pamilya at iba pang mga tao na naiwan sa aming lugar sa Yamot. Dalidali kaming sumakay paakyat sa Yamot kasama ang dalawang katuwang naming madre. Pagdating namin sa Villar, isang kilometro bago umabot sa Yamot nakita na naming naroon ang aking pamilya. Umiiyak silang lahat at nanginginig. Iniwanan ko sila sandali at tumuloy kami sa Yamot para sabihan ang iba pangnaiwan na magsilikas na siladahil ang maitim na usok ay palatandaan na may masamang mangyayari. Sabay-sabay na kaming bumalik sa Villar. Naiyak ako. Masakit tanggapin na iiwan na naming an gaming Lupang Ninuno na siyang nagbibigay buhay sa amin. Bahay, hayop, mga pananim ay biglang nawala sa aking paningin. Nagkagulo ang lahat. Ako at ang ilang lider ng LAKAS kasama ang dalawang katuwang ay tumugil sa Villar hanggang masigurado na ang lahat ay nakababa sa Poonbato. Sa pagbaba naming sa may Marawonot, napansin namin ang ilang mga hayop katulad ng mga bubuyog, ahas, usa ay nagsisibabaan na mula sa bundok Pinatubo. Ang tubig sa ilog ay malligamgam at nagiging kulay gatas. Patuloy na nalalabas ng maitim na usok ang palibot ng bulkan. E- Dahil sa mga pangyayaring ito, ilan sa among mga lider ay sinamahan ng isa naming katuwang na madre upang ireport ito sa PHILVOCS. Ikinuwento nila ang ilang naobserbahan naming kababalaghan na nagyayari sa ilog Marawonot sa Villar. Dito naming nalaman na ang mga bundok na tinatawag naming “sulfur” ay isa palang bulkan. At ayon sa PHILVOCS, ito raw ay “minor eruption”. Nagpasalamat kami sa PHILVOCS na nagpadala kaagad ng mga dalubhasa at mga makinarya tulad ng seismograph upang imonitor ang galaw ng bulkan.

O- Ang aming mga katuwang ay humuingi ng tulong na magkaroon ng edukasyon hinggil sa iba’t ibang uri ng pagputok ng bulkan. Kaagad ay sinagot naman kami ng PHILVOCS. Pinahiram kami kaagad ng video tapes hinggil sa pagbutok ng bulkan.

Dito naming nakita ang pagputok ng bulking Vesuvius sa Italya, bulking Karakatuwa sa Indonesia, bulking Etna ng Italya at bulking St Helen ng Ameika.

Nakita naming mula rito ang iba’t ibang bagay na ibinubuga ng bulkan tulad ng lava, pyroclastic materials, abo, lahar at iba pa.

Nakita rin naming ang mga panganib dala ng pagputok ng bulkan at ibat-ibang pamamaraan ng paglikas.

Habang kami ay binibigyan ng edukasyon hinggil sa pagputok ng bulkan, kaming mga Ayta ay lubos na nasisiyahan sa aming mga nalaman na sa tingin naming ay malaking tulong sa aming paglikas.

Ngunit marami sa mga unat o hindi Ayta sa Poonbato ay nagalit sa aming lider at katuwang na madre. Sila raw ay nananakot lamang hinggil sa pagputok ng bulkan. Hindi raw sila naniniwala na puputok ang bulkan na malakas at mapanganib.

Binansagan ang mga liser at mga katuwang na madre na “alarmist’. Ang pinakamasama ay binibintangan kaming mga Ayta na kaya kami lumikas sa Poonbato gusto naming makatikim ng sardines.

B- Ako ang kalihim n gaming samahan noon kaya isa ako sa nagging abala sa pag-aasikaso ng mga pumapasok na tulong at pinasasalamatan at ipinamamahagi mula sa iba’t ibanf NGO, taong simbahan at ilang ahensiya ng gobyerno.

Ang Kooperatiba ng LAKAS sa Yamot, Villar, Poonbato at bayan ng Botolan ang unang tumugon sa pangangailangang pagkain ng mga nagsilikas sa Villar at Poonbato bago pa dumating ang tulong mula sa iba’t ibang grupo ng NGO, taong simbahan at ilang ahensiya ng gobyerno.

Ang bawat tulong na tinatanggap naming ay binibigyan naming ng kaukulang resibo ng pagtanggap at pasasalamat. At dahil organisado kami, ang pagbibigay namin ay ginawan naming ng isang maayos na pamamaraan ng maibabahagi ito sa lahat.

Pero may mga tao talagang hindi bukal sa loob abg pagtulong kindi may halong pulitika dahil may nagbigay sa amin na may pangalan ng pulitiko at ang kanyang partido.

May iba naman na ang gusto ay umupo kaming nakabahag sa tulong na ibinibigay nila at saka nila lilitratuhan.

Mayroon, ang gusto ay pasayawin muna kami bago bigyan ng tulong.

Naranasan din naming gawin kaming parang mga unggoy sa pagtanggap ng tulong dahil sa halip na ito ay iabot ng maayos, pinapaakyat pa angmga bata na nakabahag sa itaas ng bubong ng kanilang sasakyan at saka nililitrato habang umaakyat.

Dito ipinaglaban n gaming samahan na kami ay may dignidad kahit kami ay tumatanggap ng ‘relief’. Kaya tinatanggihan namin ang tulong na ibinibigay sa amin na may halong pulitika at panlalait sa aming kultura.

E- Mula Abril 2 hanggang Mayo, kami ay nanirahan sa Poonbato at sa Ogik. Naghihintay lang kami ng paabot ng PHILVOCS, kung kailan kami lilikas o babalik sa dati naming lugar sa Pinatubo.

Dahil sa edukasyon na nakuha namin galing sa PHILVOCS, nagging madali sa amin anf pagsunod sa instructions nila tulad ng

- ng sabihin nilang lilikas ng 5 kilometro radius, lilikas kami ng 10 kilometro radius

- kung sabihin nilang lilikas ng 7 kilometer radius, lilikas kami ng 10 kilometer radius

- palagi naming nilalampasan ang pagtupad naming s autos o instruction ng PHILVOCS

Sa katapusan ng Mayo, nagsabi anf PHILVOCS na lumikas ng 20 kilometer radius, ibig sabihin nasa ‘alert level 3’ na. Ito ay bilang paghahanda sa posibleng ‘major eruption’

Ang ginagawa naming ay lumikas kami ng 36 kilometer radius kaya umabot kami sa burol o tuktok ng Tumangan, malapit sa bayan ng Botolan subalit tanaw na tanaw ang bundok Pinatubo.

Ikinunsulta naming ito sa PHILVOCS at sinabi na malayong-malayo na raw ito sa panganib.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...