Lubos Alyansa ng mga Katutubong Ayta ng Sambales (LAKAS) —Ang mga Ayta ay may paniwala na ang bundok Pinatuo ay sagrado. Dito sila kumukuha ng pagkain sa iba’t ibang [amamataan. Ang pangangaso ay isa sa mga paraan. Mayroon silang Batas sa Kalikasan na dapat sundin sa pangangaso . Isa nito ang paggalang sa kalikasan bilang Ina, kaya ito ay hindi dapat sirain, bagkus pagamanin. Ang bawat isa ay kukuha lamang ng sapat na produkto sa gubat ayon sa kanyang pangangailangan. Ang isa pang batas ay hindi saktan ang manok dikot na may pulang pakpak, na pinaniniwalaan nilang kumakatawan sa Diwata. Nanininwala din sila na ang Diwata sa kagubatan ay siyang espiritu ng kalikasan.
Ang isang pamilya ang Ayta ay may apat na anak na nagkonsulta sa änito”hinggil sa pangangaso. Pinaalalahanan silang apat hinggilsa batas ng kalikasan bago lumisan, lalo na yong tingkol sa manok dikot. Sa gitna ng pangangaso natagouan nila ang mga dayuhang namumuhunan. Sila ay inakit ng magandang buhay at kaunlaran. Natukso ang dalawng anak, si Bakbak at Balaybay, sinaktan nila ang manok dikot, dahil dito maraming kahirapan ang kanilang naranasan. Natukso sila sa paninira ng kabundukan sa ngalan ng kaunlaran, kabilang na dito ang mga logging, minning at geothermal diggings. Kaakibat ng paninira kalikasan ay ang pagsira ng kalikasanay ang pagsisira ng katutubong kultutra ng mga Ayta. Nagalit si Apo Namalyari sa kasiraan na nagawa sa kalikasankaya sumabog ang bulkan. Ang Inang Lupa mismo ang naghiganti sa pangyayari.
Dahil dito ang pamayanan ng Ayta ay naapektuhan. Nawala ang kanilang ari-arian. Nasira ang kanilang pananim. Sila ay lumikas ng sampung beses. Nagkahiwahiwalay sila. Maraming nagkasakit at namatay sa epidemya. Pinagsisihan nial ang mga pangyayari at humingi sila ng tawad kay Apo Namalyari.
Sa madaling pagkasabi napatawad sila. Naibalik ang dalawang batang nawala at nagkaisa ang pamilya at pamayanan.Mula sa kanilang paglalakbay, nakasilip sila ng BAGONG PAG-ASA, nakahanap sila ng BAGONG PARAISO sa Bihawo, Botolan, Zambales at dito sila unti-unting bumangon. Bumangon sila sa abo ng kahirapan sulot ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo.
No comments:
Post a Comment